Mag-isa

Yung nasasanay na ka nang laging… mag-isa. Nag-eenjoy kang mag-travel… mag-isa; hindi ka na nahihiyang makipila sa buffet… mag-isa (kung hindi nyo pa na-try ito, try nyo! the best!); yung okay lang sayo na gamitin ang entertainer voucher mo nang hindi mo pinoproblema kung sinong kahati mo kasi sabi mo sa sarili mo, “Ite-takeaway ko na lang yung libre para may baon ako bukas!” (haha! save some money, friend!);  tapos masaya kang namamasyal sa mall… mag-isa; nag-iistrolling sa grocery… mag-isa; nagagawa mo lahat ng gusto mo kahit… mag-isa at hindi ka na yung feeling helpless-kawawa kasi kaya mo naman pala… mag-isa at higit sa lahat hindi ka na naiinggit sa “kanila”… you know… Sila! Andami kasi nila eh! Yung maraming pinopost sa facebook maya’t maya at nasubaybayan mo pa silang parang koreanobela – mula friendsary, daysary, weeksary, monthsary, anniversary, sari-sari, lahat ng sary! Pero ngayon hindi ka na apektado sa kanila, dahil masaya ka na, at hindi ka na natatakot… mag-isa! 🙂

Dati takot na takot ka pa nga eh, “Wahh! Baka end of the world na, mag-isa pa rin ako?!”

O di kaya naman, “Naku! Paano na yan? Kanino ko ipapamana ang mga ari-arian ko pag namatay ako? I need an heir!” (Wow! yamanin lang di ba? Daming ipapamana – sana hindi mo yan inutang, friend!)

Tapos noon, pag mag-isa kang pumupunta sa restaurant, naaasar ka sa waiter pag tinatanong ka ng, “Table for how many, Ma’am?” Sa isip-isip mo, “Loko ‘tong mokong na ito ah? Cge, push mo pa, kuya! Makakatikim ka na saken!” Sabay ngingiti ka na lang nang papilit, “Table for one only.” 😀

At habang kumakain ka na, hindi mo mapigilang tumingin sa katabi mong table, kasi dalawa sila eh at shempre sweet-sweetan sila, subuan pa nga sila ganyan, tawanan, samantalang ikaw… mag-isa ka lang sa table mo at sinusubuan mo ang sarili mo. Kaya, tawa ka na lang, kunwari may nakita kang nakakatawang video sa cellphone mo. Pero sa totoo lang, nakakatawa naman talaga di ba? Hindi yung video, ikaw! hahaha!

Pero kung titingin ka pa sa paligid mo, hindi ka naman talaga nag-iisa eh… dahil maraming mga kagaya mo. Yun lang, sa kathang-isip mo kasi, masyado kang naniniwala sa mga sinasabi ng marami, “Ay, kawawa ka naman, mag-isa ka lang! Walang nagmamahal sayo, walang gusto sumama sayo.” At ikaw naman, dahil madalas ka ngang mag-isa, nakikinig ka at naniniwala ka naman! Tapos magmumukmok ka at tatanungin mo si Lord, “Lord, hanggang kelan? Asan na sya?”

Wehh? Eh kung sagutin ka kaya ni Lord, “Ako? Andito ko, ayaw mo ba ko kasama?”

Sa hinaba-haba ng panahon, sa kakamukmok at sa paghahanap ng pwedeng makaaliw sa pangungulila mo, napagtanto mo na rin sa wakas na, possible din naman palang maging masaya… kahit mag-isa. At higit pa dyan marami kang natutunan. Natuto kang tumayo sa sarili mong paa. Narating mo ang mga pangarap mong hindi mo inaakalang magagawa mo pala na… mag-isa. Mas na-eenjoy mo ang oras mong kausap si Lord – kasi sa totoo lang, wala ka namang ibang choice madalas eh! (haha!) Mas nakilala mo sarili mo. Nadiskubre mo kung sino at ano ka talaga, anong purpose mo sa mundong ito at ano talaga ang mga kailangan mo sa buhay at mga hindi mo naman kailangan. Mas naging wise ka. Mas natutukan mong ayusin ang sarili mo at ngayon masasabi mo na kay Lord na, ‘I’m ready, Lord!”

(Naks! Wooohoo! Ready daw saan kaya? Sa hamon daw ng mundo! Kayo talaga!  Bigyan ng jacket yan!)

Para tuloy narinig ko si Lord na nagsabi na, “Hay! Sa wakas! Ikaw lang talaga ang hinihintay ko!”

Ngayon, hindi ka na naawa sa sarili mo. Masaya ka na kasi. Na-eenjoy mo na lahat ng bagay na meron ka at wala ka. Mas nagpapasalamat ka na ngayon sa buhay na meron ka. At kapag tumitingin ka sa langit, mapapangiti ka na lang sabay pikit,

Thank you, Lord. Thank you, talaga!”

(If you enjoy reading this blog, please share to your single friends who could use some laughter and encouragement. God bless you!)

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s